Ferdinand Magellan: Part 3 — Labanan sa Mactan, Kamatayan at Ambag sa Lipunan
Pagkalipas ng ilang buwang paglalayag sa karagatang sa wari ay walang katapusan, narating nila ang mga isla ng Mariana noong Marso 6, taong 1521. Pagkalipas ng ilang oras, nakadaong ang Armada sa Guam. Dito nila nakasalamuha ang mga katutubong Chamorro, na nagsiakayan naman sa kanilang mga barko at nagsimulang manguha ng ilan sa kanilang mga gamit. Dahil diyan, tinawag ni Magallanes ang lugar na iyon na “Isla de los Ladrones” o “Pulo ng mga Magnanakaw.”
Nang sumunod na araw, nilusob nila ang komunidad ng mga katutubong Chamorro, binawi nila ang mga ninakaw na mga gamit at sinunog ang ilang mga bahay. May ilang katutubo rin ang napatay. Nilisan nila ang Guam noong Marso 9 at ipinagpatuloy ang kanilang paglalayag pa-kanluran. Sino ang sumunod nilang nakasalamuha at saan kaya humantong ang paglalayag na ito?
Comments
Post a Comment