VIDEO: Ano ang "Antisemitism"? Bakit Galit si Adolf Hitler sa mga Hudyo?

Ano ang "Antisemitism"? Bakit Galit si Adolf Hitler sa mga Hudyo?

Babala: Ang programang ito ay may temang sensitibo at tumatalakay sa mapanganib na mga pananaw gaya ng Antisemitismo at Nazismo, ganundin sa mga epekto nito. Layunin ng video na ito na magbigay kamalayanan at kaalaman sa mga manonood tungkol sa temang ito. Hindi kailanman sinusuportahan ng producer ng Jericus De Gamuz ang mga ganitong pananaw.

Ang Antisemitism o sa Tagalog ay Antisemitismo ay itinuturing ng ilan na “pinakamatandang uri ng pagkamuhi sa kapwa”. Ito ay ang pagkamuhi, pagkapoot, pag-uusig at diskriminasyon sa mga Hudyo. Lubha itong kapansin-pansin noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng isagawa ng Nazi Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler ang isang karima-rimarim na halimbawa ng antisemitismo.

Wala pang isang siglo bago ito, ang salitang antisemitismo ay unang pinasikat ng mamamahayag na si Wilhelm Marr noong 1879. Pero hindi sa taong ito nagsimula ang pagkamuhing ito. Kung ganoon, kailan nga ba ito nagsimula? At bakit apektado ng pananaw na ito si Hitler?

Comments