Ang Atomic Bomb at ang Pagbomba sa Hiroshima at Nagasaki, Japan Noong World War 2.
Buwan ng Agosto, taong 1945, lubusang binago ng Estados Unidos ng Amerika ang mga paraan ng digmaan nang magpabagsak ito ng 2 bomba atomika sa bansang Hapon. Winasak nito ang mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki at pumatay ng mahigit 100,000 katao.
Tunguhin ng mga Amerikano na mapabilis ang pagsuko ng mga Hapones, nang sa gayon ay matapos na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nang hindi na rin dumami pa ang mga namamatay na mga sundalo ng Alyadong Puwersa.
Isa pa, gusto rin nilang ipakita sa mundo, partikular sa Unyong Sobyet, kung gaano kalakas puminsala ang pinakabago nilang teknolohiya. Inilarawan ng mismong emperador ng Hapon na si Hirohito ang bombang ito bilang “isang bago at malupit na bomba.” Pero ano ba ang kasaysayan sa likod ng pangyayaring ito?
Comments
Post a Comment