Ferdinand Magellan: Part 1 — Ang Paghahanda para sa Paglalayag Paikot sa Daigdig
Sa wikang Ingles, kilala natin siya sa pangalang Ferdinand Magellan. Pero sa wikang Portuges, ang talagang pangalan niya ay Fernão de Magalhães. Sa wikang Espanyol, kilala siya bilang si Fernando de Magallanes.
Si Fernando de Magallanes, ay isinilang sa hilagang bahagi ng Portugal noong mga taong 1480. Bagaman maraming ulat ang bumabanggit na ito ay sa Sabrosa, may mga nagsasabi rin na sa Porto siya isinilang. Ang pamilyang Magallanes ay mga miyembro ng maharlika. Halimbawa, ang kaniyang ama na si Rodrigo ay isang kabalyero at humawak din ng posisyon sa korte at sa gobyerno. Alamin ang iba pang detalye tungkol sa kaniya.
Comments
Post a Comment