VIDEO: Vietnam War: Part 1 — Paano ito Nagsimula? Paano Napasali ang Estados Unidos?

Vietnam War: Part 1 — Paano ito Nagsimula? Paano Napasali ang Estados Unidos?

Ito ang una sa tatlong bahagi ng serye tungkol sa Vietnam War at tatalakayin natin ngayon kung paano ito nagsimula at kung paano napasali dito ang Estados Unidos.

Inaanyayahan ko kayong panooring ang ikalawa at ikatlong bahagi nito. Nasa description ng video na ito ang mga link para sa mga gustong manood.
Ang Vietnam War ay isang mahaba at magastos na digmaan na naganap noong mga taong 1955 hanggang 1975. Sa digmaang ito, ang komunistang gobyerno ng North Vietnam, kasama ng mga kaalyado nito na nasa South Vietnam na kilala din sa tawag na Viet Cong ay nakikipagdigma laban sa gobyerno ng South Vietnam.

Bagaman pangunahin ng tagasuporta ng South Vietnam ang Estados Unidos ng Amerika, tumutulong din sa kanila ang South Korea, Pilipinas, Australia, Thailand at iba pang kontra-komunistang mga bansa. Sa kabilang panig, sinusuportahan naman ang North Vietnam ng Unyon Soviet, Tsina at iba pa nilang komunistang kaalyado.

Sa bansang Vietnam ngayon, tinatawag itong “American War” at sa ibang pananalita ay ang “Digmaan Laban sa mga Amerikano para Maisalba ang Bansa”. Tinatawag din itong Second Indochina War. At malaking katibayan din ito ng nagaganap na Cold War sa pagitan Estados Unidos at Unyong Sobyet at ng kani-kaniyang mga kaalyado. Pero ano ba ang ugat ng mahaba at madugong digmaang ito?

Comments