VIDEO: Paano Nag-umpisa o Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (o World War 2)?

Paano Nag-umpisa o Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (o World War 2)?

World War 2 o Second World War. Isa itong napakalaking digmaan kung saan halos lahat ng bansa sa daigdig ay nasangkot. Naganap ito mga dalawang dekada pa lang pagkatapos ang World War 1. Nag-umpisa ito noong September 1, 1939 at natapos noong September 2, 1945. Kaya kung bibilangin, tumagal ito ng 6 na taon at isang araw.

Sa digmaang ito, karamihan sa lahat ng mga bansa sa buong mundo, kasama na ang mga pinakamakapangyarihan ay nahati sa 2 koalisyon o alyansang militar. Ang una ay ang “Allies” na pangunahin nang pinangungunahan nina Winston Churchill ng Britanya, Franklin Roosevelt ng Estados Unidos, Joseph Stalin ng Unyong Sobyet at Chiang Kai-shek ng China. Ang ikalawa ay ang “Axis” na pinangungunahan naman nina Adolf Hitler ng Alemanya, Hirohito ng Hapon at Benito Mussolini ng Italya.

Nagsangkot dito ang mahigit sa 100 milyong tao mula sa mahigit na 30 bansa. Ang mga pangunahing mga bansa ay nagbuhos ng kanilang kakayahang pang-ekonomiya, pang-industriyal at siyensiya para suportahan ang digmaan.

Itinuturing din itong pinakamapaminsalang labanan sa kasaysayan ng tao dahil sa 70 hanggang 85 milyong namatay dahil dito—na karamihan ay mga sibilyan mula sa Unyong Sobyet o USSR at China.

Kilalang-kilala din ang World War 2 sa napakaraming mga masaker, pagpatay ng lahi, malawakang pambobomba, sinadyang panggugutom at ang paggamit ng nuklear na armas sa digmaan. Talagang mahirap ilarawan ang lawak at saklaw ng digmaang ito. Ano ba ang nangyari? Bakit nga ba humantong sa ganito? Paano ba nagsimula ang Digmaang Pandaigdig 2?

Comments