VIDEO: Ano ang Nangyari sa "Battle of Corregidor" Noong Lusubin ito ng mga Hapones?
Ang Battle of Corregidor o Labanan sa Corregidor ay isa sa mga mahahalagang labanan na naganap sa Pilipinas noong panahon ng Digmaang Pandaigdig 2. Naganap ito noong May 5 hanggang May 6, 1942. Bahagi ito ng nagtatagumpay na kampanya ng mga Hapones para sakupin ang pamahalaang Komowelt ng Pilipinas.
Bago ang labanan na ito, noong April 9, 1942, bumagsak na din sa mga Hapones ang Bataan. Noong mga panahon na iyon, halos nasakop na ng mga Hapones ang mga bansa sa timog-silangang Asya. Ilang mga isla na lang ang pumipigil sa kanila para masakop ang Pilipinas. At isa sa mga iyon ay ang isla ng Corregidor.
Dahil nasa pasukan papuntang Manila Bay, ito na lang ang nakahahadlang sa 14th Japanese Imperial Army sa ilalim ni Lieutenant General Masaharu Homma. Kaya kung gusto niyang makadaong sa Manila Bay ang mga Hapones, kailangan muna niyang pabagsakin ang Corregidor. Pero hindi ito madali. Bakit? Ano ba ang nangyari?

Comments
Post a Comment